Hiniling sa iyo na bumoto ng CVR na balota dahil sa isa sa mga sumusunod na dahilan (Mga Seksyon sa Kodigo ng mga Halalan 2170 at 2171):
Nakaligtaan mo ang huling araw para makapagrehistro para makaboto
Kung ikaw ay bumoto ng CVR na balota, may karapatan kang malaman kung nabilang ang iyong CVR na balota o hindi, ang dahilan kung bakit hindi ito binilang. Tanging ang botante lamang ang maaaring tumingin sa kanilang mga kumpidensyal na resulta.
Binigyan ka ng resibo bilang CVR na Botante. Sa resibong iyon, makikita mo ang isang Envelope ID number. Mangyaring Ilagay lamang ang Envelope ID number sa itaas, upang tingnan ang resulta ng iyong CVR na balota.
Kung bumoto ka ng CVR na balota at hindi ka binigyan ng resibo:
Tumawag lamang sa (408) 299-VOTE (8683) o walang bayad sa (866) 430-VOTE (8683) para sa tulong.
Kung hindi nabilang ang iyong balota, makikita sa lookup ang dahilan kung bakit hindi ito binilang.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o nangangailangan ng karagdagang tulong, tumawag lamang sa (408) 299-VOTE (8683) o walang bayad sa (866) 430-VOTE (8683).