Hiniling sa iyo na bumoto ng pansamantalang balota dahil sa isa sa mga sumusunod na dahilan (Mga Seksyon sa Kodigo ng mga Halalan 14310 and 14311):
Wala ang pangalan mo sa Opisyal na Indese ng Talaan ng Pangalan, at hindi ma-verify ang iyong pagiging karapat dapat.
HAVA Unang Beses na Botante sa Pederal na Halalan - hindi mo natugunan ang mga kinakailangan sa pagkakakilanlan ng Help America Voter Act ng 2002.
Kung ikaw ay bumoto ng pansamantalang balota, ikaw ay may karapatang malaman kung ang iyong pansamantalang balota ay binilang o hindi, ang dahilan kung bakit hindi ito binilang. Tanging ang botante lamang ang maaaring tumingin sa kanilang mga kumpidensyal na resulta.
Binigyan ka ng resibo bilang Pansamantalang Botante. Sa resibong iyon, makikita mo ang isang Envelope ID number. Mangyaring ilagay lamang ang Envelope ID number sa itaas, upang tingnan ang resulta ng inyong pansamantalang balota.
Kung bumoto ka ng pansamantalang balota at hindi ka binigyan ng resibo:
Tumawag lamang sa (408) 299-VOTE (8683) o walang bayad sa (866) 430-VOTE (8683) para sa tulong.
Kung hindi nabilang ang iyong balota, makikita sa lookup ang dahilan kung bakit hindi ito binilang.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o nangangailangan ng karagdagang tulong, tumawag lamang sa (408) 299-VOTE (8683) o walang bayad sa (866) 430-VOTE (8683) para sa tulong.